^

PSN Palaro

Diamante, Obebe mga future national swimmers

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines— May dalawang potensyal na national team members na nadiskubre ang Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) sa kanilang grassroots program.

Muling namayagpag sina age-groupers Nicola Queen Diamante at Paulene Beatriz Obebe sa Reunion Challenge National Finals kahapon sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC).

Bumandera si Diamante ng RSS Dolphins Swimming Team sa girls’ 11 years old category at nanguna si Obebe ng ASCC sa girls’ 12 years old class sa torneong inorganisa ng COPA katuwang ang Samahang Manlalangoy ng Pilipinas (SMP) at suportado ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Noli Eala, MILO at Speedo.

Namuno ang 11-anyos na si Diamante at ang 12-anyos na si Obebe sa final series ng three-leg meet noong nakaraang buwan kung saan humakot si Diamante ng kabuuang 16 gold medals.

Kaya naman bumilib sa kanila si Chief Organizer at COPA Board member Chito Rivera.

“Parehong consistent itong dalawa sa kanilang age group category,” wika ni Rivera sa dalawang swimmers.

COPA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with