^

PSN Palaro

Tropang Giga sasagupa sa Road Warriors

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tropang Giga sasagupa sa Road Warriors
Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes.
FIBA

MANILA, Philippines — Hangad ng TNT Tropang Giga na patuloy na solohin ang third spot sa pag­harap sa NLEX sa 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Lalabanan ng Tropang Giga ang Road Warriors ngayong alas-5:45 ng ha­pon matapos ang bakba­kan ng Phoenix Fuel masters at Meralco Bolts sa alas-3 ng hapon sa Phil­sports Arena sa Pasig City.

Nagmula ang TNT (2-1) sa 110-91 panalo sa Rain or Shine (2-3) tampok ang hinataw na 41 points ni im­port Cameron Oliver.

Matapos naman ang 2-0 panimula sa torneo ay na­hulog ang NLEX (2-2) sa dalawang dikit na kamalasan sa Phoenix, 97-111, at sa Magnolia, 97-111, nang hawakan ni coach Frankie Lim ang koponan.

Bagama’t hindi naglaro si import Steve Taylor, Jr. para sa Elasto Painters ay na­hirapan pa rin silang iligpit ng Tropang Giga.

“We need to play a full 48 minutes and we’re not there yet,” galit na wika ni TNT coach Chot Reyes.

Sa ikalawang laro, target naman ng Fuel Masters ang ka­nilang ikatlong sunod na ratsada sa pagharap sa Bolts.

Nagmula ang Phoenix sa 0-3 panimula bago humataw ng dalawang sunod na panalo.

Samantala, ipaparada ng San Miguel si import De­von Scott.

NLEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with