^

PSN Palaro

UE matinding hamon ang ibibigay sa UP

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng nagdedepen­sang University of the Phi­lippines ang kanilang ika­la­wang dikit na panalo, ha­­bang asam ng National Uni­­versity ang ikaapat na su­nod nilang ratsada sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament.

Makakatapat ng Figh­ting Maroons (4-1) ang UE Red Warriors (3-2) nga­­yong alas-4:30 ng ha­pon at makikpagtuos ang Bulldogs (4-1) sa La Salle Green Archers (3-2) sa alas-11 ng umaga sa MOA Arena sa Pasay City.

Sa ala-1 ng hapon ay maglalaban ang Ateneo Blue Eagles (3-2) at Adamson Falcons (2-3) at sa alas-6:30 ng gabi ang bakbakan ng UST Growling Tigers (1-4) at FEU Tamaraws (0-4).

Nagmula ang UP sa 76-71 overtime win sa Ateneo tampok ang pagbibida ni Carl Tamayo at ang pagba­balik sa aksyon ni guard JD Cagulangan.

Nagkaroon si Cagula­ngan ng hamstring njury kaya si Terrence Fornea ang ginamit ni coach Goldwin Monteverde sa nakaraang apat na laro ng Fighting Maroons.

“Si Terrence kasi, nag-a­­aral pa talaga siyang ma­­­ging point guard. Lagi na­­man niyang sinasabi sa akin, naghihingi siya ng ad­vice,” ani Monteverde.

Kung mulng mananalo ang UP at NU ay patuloy silang magsososyo sa li­de­rato.

Itinakas ng Bulldogs ang 58-54 panalo sa Falcons at pi­­natumba Green Archers ang Tamaraws, 87-70.

“They’re another strong team that we have to prepare for, we have to be rea­dy,” ani NU mentor Jeff Na­pa sa pagharap nila sa La Salle.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with