^

PSN Palaro

La Salle nakaganti sa Ateneo

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
La Salle nakaganti sa Ateneo
Nag-abang sa bola sina Ange Kouame ng Ateneo at Michael Philips ng La Salle.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Tinapos ng De La Salle University ang limang taong kamalasan sa karibal na Ateneo De Manila Uni­ver­sity.

Nagpasabog si Schonny Winston ng 25 points sa 83-78 pagpana ng Green Archers sa Blue Eagles sa UAAP Season 85 men’s bas­ketball tournament sa ha­rap ng 12,056 fans ka­ha­­pon sa Smart Araneta Co­liseum.

Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng La Salle para pantayan ang 2-1 record ng Ateneo sa ilalim ng 3-0 baraha ng nagdedepensang UP.

Huling tinalo ng Green Archers ang Blue Eagles noong Nobyembre 29, 2017 sa Game Two ng UAAP Season 80 Finals.

“I think the boys real­ly worked hard, they’ve pro­ven that they could beat Ate­neo,” sabi ni coach Derick Pumaren.

Nagtala rin si Winston ng 5 rebounds at 6 assists para sa La Salle na kinuha ang 83-78 abante sa huling pitong segundo ng fourth quarter mula sa dalawang free throws ni Evan Nelle.

Nauna nang nabigo si Forthsky Padrigao na ma­itabla ang Ateneo.

Binura ng Green Archers ang double-digit lead ng Blue Eagles sa first pe­­riod patungo sa panalo.

Tumipa si reigning UAAP MVP Ange Kouame ng season-high na 22 points bukod sa 12 re­bounds para sa Ateneo.

Samantala, umiskor si rookie guard Kean Baclaan ng 16 points para akayin ang National University sa 69-63 paglantak sa University of Santo Tomas.

Nagsalpak rin si Baclaan, naglaro para sa Tigers sa preseason bago lumipat sa Bulldogs, ng apat na triples bukod sa 7 assists at 4 steals.

Tumipa rin si veteran guard John Lloyd Clemen­te ng 16 markers para sa NU, habang humakot si fo­reign student-athlete Omar John ng 8 points at 11 boards.

Nalubog ang UST sa 44-62 agwat sa 8:02 mi­nu­to ng fourth quarter bago na­kalapit sa 54-62 sa hu­ling 1:12 minuto nito.

“Medyo nag-relax. Iyon ang kailangan naming i-address,” sabi ni coach Jeff Napa sa kanyang Bulldogs.

Nagposte si Adama Faye ng 20 points at 10 re­­­bounds para sa Tigers at may 16 markers si Nic Ca­banero.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with