^

PSN Palaro

Walang makapigil sa Dragons

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Walang makapigil sa Dragons
Lumiyad si import Myles Powell ng Bay Area Dra­gons para makaiwas sa supalpal ni Jeron Teng ng Converge FiberXers.
PBA Images

MANILA, Philippines — Nalampasan ng guest team na Bay Area ang pagbangon ng Converge mula sa 22-point deficit para itawid ang 106-100 panalo sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Ara­neta Coliseum.

Kumamada si import Myles Powell ng 33 points, 8 rebounds at 3 assists pa­ra sa 4-0 record ng Dragons at patuloy na solohin ang liderato.

May 38 markers naman si import Quincy Miller sa panig ng FiberXers (1-2).

Bumalikwas ang Converge mula sa 69-91 pag­ka­kabaon sa pagsisimula ng fourth period para makadikit sa 100-104 sa huling 1:29 minuto.

Ang dalawang free throws ni Powell sa natitirang 11 segundo ang sumelyo sa panalo ng Bay Area.

Sa unang laro, kumo­lekta si import Johnny O’Bryant ng 31 points, 9 rebounds, 4 assists at 3 steals sa 104-92 paggiba ng Meralco sa Ter­rafirma.

Nag-ambag si Allein Ma­liksi ng 18 markers ka­su­nod ang tig-17 points ni­na Bong Quinto at Aaron Black para sa unang pa­na­lo ng Bolts matapos ang 0-2 panimula sa torneo.

Isang 12-2 bomba ang inihulog nina O’Bryant, Maliksi at Quinto sa fourth pe­riod para sa kanilang 96-82 paglayo.

Si assistant coach Lui­gi Trillo ang humalili kay Meralco coach Norman Black na ini­lagay sa PBA health and safety protocols.

Ito ang ikaapat na dikit na kabiguan ng Dyip at pang-20 simula noong 2021 PBA Governor’s Cup.

Nauna nang nagtala ang Blackwater ng PBA record na 29-game losing slump.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with