^

PSN Palaro

Suarez handa kay Magali

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Suarez handa kay Magali
Charly Suarez.
STAR/File

MANILA, Philippines — Idedepensa ni Charly Suarez ang kanyang suot na World Boxing Associa­tion (WBA) Asia super fea­therweight title laban kay Philippine champion Carlo Magali sa Oktubre 23 sa Elorde Boxing Center sa Pa­rañaque City.

Kumpiyansa si Suarez, isang one-time Olympian at multi-medalist sa Southeast Asian Games, na tatalunin niya si Magali.

“Ready naman tayo. Since nasa national team ako, tinandaan ko na maihanda ang sarili ko physi­cal­ly and mentally,” sabi ng 33-anyos na tubong Sa­wata, Davao del Norte sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ no­ong Huwebes sa Behrouz Persian Cuisine sa Quezon City.

Kasalukuyang No. 36 si Suarez sa World Boxing Council (WBC) na pinaghaharian ni American Shakur Stevenson.

Hawak ni Suarez ang 12-0-0 win-loss draw ring record tampok ang pitong knockouts.

Nakuha ni Suarez ang bakanteng WBA Asia belt mula sa 12th round technical knockout win kay Tomjune Mangubat.

“Malaking pangalan na rin siya sa boxing kaya hindi kami nagpapasiguro,” sabi ni coach Delfin Boholst kay Magali.

Bitbit ni Magali ang 25-0-0 (13 KOs) card.

Nakatakda sana siyang lumaban no­ong Agosto 21 ngunit nakansela ang du­welo niya kay Ayanda Nkosi para sa World Boxing Fede­ration (WBF) lightweight crown.

WBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with