^

PSN Palaro

Sotto bokya sa kabiguan ng 36ers sa Thunder

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Sotto bokya sa kabiguan ng 36ers sa Thunder
Kai Sotto.
Kai Sotto / Instagram

MANILA, Philippines — Nakalasap ng malupit na 98-131 kabiguan si Kai Sotto at ang Adelaide 36ers kontra sa Oklahoma City Thunder sa pagtatapos ng NBL X NBA Tour sa Paycom Center sa Oklahoma.

Bagama’t umiskor ng malaking 134-124 kontra sa Phoenix Suns ay nanlamig ang 36ers at hindi na nakauilit pa sa isang de-kalibreng NBA team na Thunder.

Muling bumandera sina Craig Randall at Robert Franks para sa Adelaide sa kanilang 27 at 20 points, ayon sa pagkaka­su­nod.

Bigong makapag-ambag si Sotto na hindi na­ka­iskor sa loob ng siyam na minutong paglalaro.

Kontra sa Suns ay nag­lista si Sotto ng 11 points, 2 rebounds, 2 steals at 1 assist.

Sa naturang panalo ay umukit ng kasaysayan ang 36ers nang maging unang overseas team simula noong 2015 na nakatalo sa isang NBA team.

Huling nagawa ito ng Fenerbahce ng Turkey kontra sa Brooklyn Nets, 101-96.

Anim na players ang tu­mipa ng double digits sa ba­lanseng atake ng Thunder, naglaro na wala si No. 2 pick Chet Holmgren, sa pangunguna ng 23 mar­kers niTre Mann.

Sa kabila ng kabiguan ay magandang karanasan ang mabibitbit ng Adelaide pauwi sa Australia upang maghanda sa kampanya sa 2022-2023 NBL regular season.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with