^

PSN Palaro

Lady Spikers itatayo ang 2-0 record sa SSL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hangad ng De La Salle University na maipagpatuloy ang magandang ratsada sa Shakey’s Super League Pre-season Colle­giate Championships sa Ri­zal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Makakatipan ng Lady Spikers ang reigning NCAA champions na College of Saint Benilde Lady Blazers ngayong sa alas-3 ng hapon sa Pool D.

Maghaharap rin ang Far Eastern University at Colegio de San Juan de Letran sa alas-12:30 ng tanghali.

Sa iba pang laro, mag­tu­tuos ang Lyceum of the Philippines University at Emilio Aguinaldo College sa alas-10 ng umaga at maglalaban ang University of the East at San Beda University sa alas-5:30 ng hapon.

Galing ang La Salle sa 25-13, 19-25, 21-25, 25-22, 15-8 panalo kontra sa FEU sa kanilang unang asignatura para makuha ang 1-0 rekord.

Nagtuwang sa natu­rang panalo sina Aleiah Ma­laluan, Jolina Dela Cruz, Leila Cruz, Thea Gagate at playmaker Marione Alba.

Nagmula naman ang Lady Blazers sa masaklap na 20-25, 25-24, 25-19, 20-25, 11-15 pagkatalo sa Lady Tamaraws noong Setyembre 24 sa kanilang huling laro.

SHAKEY’S SUPER LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with