^

PSN Palaro

Liderato asam ng Maroons

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pakay ng nagdedepensang University of the Philippines na masolo ang liderato sa pagsagupa sa Far Eastern University sa UAAP Season 85 men’s bas­ketball tournament a Smart Araneta Coliseum.

Hahataw ang bakba­kan ng Fighting Maroons at Tamaraws ngayong alas-4 ng hapon matapos ang duwelo ng UE Red Warriors at Adamson Soaring Fal­cons sa alas-2.

Magkasalo ang UP at Ateneo sa top spot tangan ang parehong 2-0 record.

Mainit ang simula ng Fighting Maroons na kumo­nekta kaagad ng dalawang su­nod na panalo.

Sa kanilang huling laro ay naitakas ng UP ang 87-78 overtime win kontra sa Adamson.

Wala si JD Cagulangan sa lineup na nagpapagaling pa sa injury subalit nariyan naman si Terrence Fortea.

“I think unti-unti, siguro ha­bang wala si Maimai (Ca­gulangan) ay nabibigyan si­ya ng time at nag-i­improve siya,” ani Fighting Maroons coach Goldwin Monteverde kay Fortea.

Hahataw rin para sa UP sina Gilas Pilipinas standout Carl Tamayo, Zavier Lu­cero at Malick Diouf.

Hangad naman ng Ta­maraws na makasama sa win column matapos lumasap ng dalawang sunod na kabiguan kasama ang 66-76 pagkatalo sa UE.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with