^

PSN Palaro

Bigating imports sasalang sa PVL Reinforced Conference

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling masisilayan ang salpukan ng mga pi­nakamatitikas na volleyball players sa bansa sa pag-arangkada ng Pre­mier Volleyball League (PVL) Re­inforced Conference sa Sta. ROsa Sports Complex sa Laguna.

Unang hahataw ang PLDT Home Fibr laban sa Philippine Army nga­yong alas-2:30 ng hapon ka­sunod ang paluan ng ba­guhang Akari Chargers at Cignal HD sa alas-5:30 ng hapon.

Ipaparada ng High Speed Hitters si Russian out­side hitter Elena Savkina-Samoilenko na inaa­sahang magda­ragdag ng pu­wersa para sa kanilang tropa.

Aasahan rin ng PLDT sina middle blockers Mika Re­­yes at Dell Palomata na parehong itinanghal na Best Middle Blockers sa nakalipas na kumperen­siya.

Itatapat ng Lady Tro­o­­pers si Laura Con­dot­ta na bahagi ng Ca­­na­­dian national team sa beach volleyball tournaments at ma­kakatulong si­na Jovelyn Gonzaga, Ho­­ney Royse Tu­bino, Mary Jean Balse at Ivy Perez.

Ibabandera ng Akari si Do­minican Republic natio­nal team player Prisilla Rivera na tatlong be­ses nang nakasabak sa Olympic Games.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with