^

PSN Palaro

P50K multa ni Chot!

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
P50K multa ni Chot!
TNT Tropang Giga coach Chot Reyes.
STAR/File

MANILA, Philippines — May katapat na multa ang ginawang pagsugod at pagkompronta ni TNT Tropang Giga coach Chot Reyes sa technical committee at pagmumura matapos ang kanilang 92-94 kabiguan sa Magnolia sa 2022 PBA Commissioner’s Cup noong Miyerkules.

Pinatawan si Reyes ng PBA Commissioner’s Office ng multang P50,000 dahil sa kanyang naging reaksyon sa officiating.

Hindi naitago ng nine-time PBA champion coach ang kanyang galit matapos pituhan ng referee ng foul si Tropang Giga forward Calvin Oftana dahil sa tangkang pagtapik sa bolang hawak ni Hotshots’ guard Paul Lee.

Ang nasabing foul ang nagresulta sa dalawang free throws ni Lee sa huling 4.3 segundo para sa pagtakas ng Magnolia sa TNT.

Matapos kamayan si Hotshots’ mentor Chito Victolero ay kaagad sumugod ang 59-anyos na si Reyes sa technical committee table para iprotesta ang nasabing foul kay Oftana.

Kinailangan siyang awatin ng kanyang mga assistant coaches bago napakalma ni deputy commissioner Eric Castro, su­balit paglabas ng kanilang dugout ay ilang beses itong nagmura.

Kinatigan din ng PBA Commissioner’s Office ang itinawag na foul kay Oftana dahil ang tumawag na referee ay nasa tamang anggulo.

Bukod kay Reyes ay pinagmulta rin si TNT team manager Jojo Lastimosa ng P20,000 dahil sa pagsama niya sa pagsugod ng kanilang head coach sa table officials.

Naglaro ang Tropang Giga na wala sina injured Jayson Castro, Mikey Williams, Glenn Khobuntin at Poy Erram ngunit nakapagtayo pa rin ng 13-point lead sa likod ni import Cameron Oliver na kumamada ng 43 points at 16 rebounds.

CHOT REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with