^

PSN Palaro

6 swimmers bagong brand ambassadors

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
6 swimmers bagong brand ambassadors
Kasama ni TYR Brand Coordinator Keith Medina (kaliwa) ang mga bagong brand ambassador ang mga swimmers na sina Saira Janelle Pabellon, Evenezir Polancos, Jenn Sermonia, Shinloah San Diego, Seb Rafael Santos, Albert Sermonia, SLP officer Fred Ancheta at TYR Brand Director Kring Marquez.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nakakuha ng supporta ang anim na bagitong swimmers ng Swimming League Philippines (SLP) para sa plano ng mga ito na maging miyembro ng national team sa mga susunod na panahon.

Ito ay sina Evenezir Po­lancos, Seb Rafael Santos, Saira Janelle Pabellon, Shinloah Yve San Diego at magkapatid na Albert Sermonia II at Jenn Albreicht Sermonia na ginawang brand ambassador para maging magandang ehemplo ng mga kabataang nagnanais sundan ang kanilang yapak at maging isang world class swimmer.

“We’re very happy and proud to be part of this six young swimmers dream to achieve their goal and success not just in swimming but in life. As partner, the TYR will providing them equipment, competition and training gear as well as support in their future international competitions,” ani TYR brand director Bing Marquez sa pagbisita nito sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc, (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa Behrouz Persina Cuisine sa Sct. Tobias, Quezon City.

Sinabi ni Marquez na napili ang anim na swimmers dahil sa world class performance ng mga ito sa mga international competitions at sa magandang karakter sa kanilang paaralan.

Masaya naman ang anim na swimmers dahil napili ang mga ito bilang brand ambassadors kaya’t kailangan ng mga nabanggit patunayan na karapat-dapat sila.

Si Albert ay bahagi ng UST varsity team at kwalipikado na para sa Southeast Asian Age Group cham­pionship sa susunod na taon.

“Nagpapasalamat ako at napili kaming magkapatid na mapasama sa TYR Ambassador. Malaking bagay po to para madagdagan yung suporta sa amin para mas makasali kami sa maraming tourna­ments,” ani Albert sa progra­ma na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Persian Cuisine.

Galing naman sa Ge­neral Santos Swimming Club sina Polancos at Pabellon na target humataw sa iba’t ibang international tournaments gaya ng SEA Games, Asian Games at Olympics sa darating na panahon.

Sa ngayon, halos ka­ra­mihan sa mga nag­ku­­kwalipika sa SEA Age Championships ay produkto ng SLP.

SWIMMING LEAGUE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with