^

PSN Palaro

Pirates mapapalaban sa Heavy Bombers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mapapalaban ang Lyceum of the Philippines University sa Jose Rizal University sa pagpapatuloy ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Daraan muna sa butas ng karayom ang Pirates bago maisakatuparan ang inaasam na pagsosyo sa liderato sa pagsagupa nito sa Heavy Bombers sa alas-3 ng hapon.

Nakatakda rin ang salpukan ng San Beda University at Arellano University sa alas-12 ng tanghali.

Kasalukuyang nasa No. 2 spot ang Lyceum tangan ang 5-1 baraha habang nangunguna ang College of Saint Benilde na may 6-1 rekord.

Umaapaw ang kumpiyansa ng Pirates matapos nitong gulantangin ang reigning champion Colegio de San Juan de Letran noong Linggo sa bendisyon ng 82-75 panalo.

Bumida sa naturang panalo si Mclaude Guadana na nagsumite ng 20 puntos, dalawang boards at dalawang dimes.

“And of course, follo­wing the system and trus­ting each other. So that’s the number one kaya din kami nanalo,” ani Lyceum head coach Gilbert Malabanan.

Ngunit haharap ang Pirates sa Heavy Bombers na nakasakay din sa four-game winning streak para okupahan ang No. 3 spot kasama ang Red Lions na may katulad na 4-2 rekord.

Sariwa pa ang Jose Rizal sa 83-80 pananaig sa San Beda noong Martes para maikonekta ang ikaapat na sunod na panalo matapos ang dalawang sunod na kabiguan sa pagsisimula ng torneo.

May ‘never-say-die’ spirit ang Heavy Bom­bers na sa kabila ng 20 puntos na pagkakabaon ay nagawa pa ring makabalik sa porma para makuha ang panalo laban sa Red Lions.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with