^

PSN Palaro

Hotshots lusot sa Tropang Giga

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hotshots lusot sa Tropang Giga
Inilusot ni TNT import Cameron Oliver ang kanyang layup laban kay Nick Rakocevic ng Magnolia.
Russell Palma

Bossing niresbakan ang Beermen

MANILA, Philippines — Sinandalan ng Magno­lia ang dalawang free throws ni Paul Lee sa hu­ling 4.3 segundo para sa 94-92 pag-eskapo sa TNT Tropang Giga sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Sumosyo ang Hotshots sa guest team na Bay Area Dragons sa liderato sa pa­reho nilang 3-0 record.

Nagtala si Calvin Abu­eva ng 25 points at 9 rebounds kasunod ang 22 mar­kers ni Serbian import Nick Rakocevic.

Kumamada naman si NBA veteran Cameron Oli­ver ng 43 points, 17 boards at 5 assists sa panig ng Tropang Giga na nakatabla sa 92-92 sa huling 26 segundo.

Sa unang laro, isinalpak ni Baser Amer ang mahalagang triple, habang sinel­yuhan ni Mike Ayonayon ang 109-106 panalo ng Blackwater kontra sa San Mi­guel.

Bumangon ag Bossing mula sa 15-point deficit sa third quarter para ilista ang kanilang 2-2 kartada.

Nadiskaril naman ang unang laro ng Beermen sa torneo.

“Sabi ko nga sa huddle, this is the best time to beat San Miguel because they are still struggling, bago ang import,” ani coach Ariel Vanguardia.

Humakot si import Ca­meron Krutwig ng triple-double na 20 points, 18 re­bounds at 10 assists para sa Blackwater.

“We were making great shots all game and we star­ted to make them in the fourth,” ani Krutwig sa kanilang pagresbak mula sa 64-79 agwat sa SMB ba­go agawin ang 107-106 bentahe mula sa tres ni Amer sa huling 32 segundo ng final canto.

Naagaw ni Ayon­ayon ang pasa ni CJ Pe­rez para kay import Diamond Stone sa posesyon ng Beermen para selyuhan ang panalo ng Bossing.

Tumapos si Amer na may 16 points, habang nag­dagdag ng 10 mar­kers si Ayonayon galing sa bench para sa Blackwater.

Pinamunuan ni six-time PBA MVP June Mar Fa­jar­do ang San Miguel sa kan­yang 23 points at 16 rebounds at may 20 mar­kers si Stone.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with