^

PSN Palaro

Video challenge system gagamitin sa PVL tourney

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Video challenge system gagamitin sa PVL tourney
Ang mga PVL officials kasama ang mga imports sa Reinforced Conference.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Para mas lalong mapa­ganda ang bakbakan ay magpapatupad ang Premier Volleyball League (PVL) ng video challenge system sa Reinforced Conference.

Ito ang inihayag kaha­pon ni PVL president Ricky Pa­lou kung saan inaasahang magagamit na ito kaagad dahil magsisimula ang torneo sa Sabado sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.

“We have already ordered and paid for the video challenge,” wika ni Palou sa Reinforced Conference press con­ference na gina­n­ap sa Discovery Suites sa Pasig City.

Manggagaling ang mga equipment sa Italy na inaa­sahang darating sa Oktubre 25.

“I think that was the end of July or August but they ha­ven’t delivered it. I don’t know, for some reason, they’re sa­ying that the cameras are not ready but the order has been there, they promised to deliver it, and we’re still waiting for it. But we will de­finitely have a video challenge,” ani Palou.

Malaki ang maitutulong nito para i-challenge ang mga posibleng maling ta­wag ng mga referees at line judges dahi nire-review ang video upang malamang kung tama o mali ang na­ging desisyon.

Ipatutupad ang single round robin sa eliminasyon.

Ang top four teams ang papasok sa semfiinals.

Isang round robin ang gagawin sa semis kung saan ang top two squads ang aabante sa best-of-three championship series.

Ang No. 3 at No. 4 sa semis ay maglalaban sa battle-for-bronze match.

Unang masisilayan ang bakbakan ng PLDT Home Fibr at United Auctioneers-Army sa alas-2:30 ng ha­pon kasunod ang engkuwentro ng Akari Chargers at back-to-back bronze me­dalist na Cignal sa alas-5:30 ng hapon.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with