^

PSN Palaro

Red Lions sabog sa Heavy Bombers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Red Lions sabog sa Heavy Bombers
Dinepensahan ni Justine Sanchez ng San Beda si John Amores ng JRU sa NCAA.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ginulantang ng Jose Rizal University ang San Beda University, 83-80, upang sumalo sa No. 3 spot sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagpasabog si Agen Miranda ng 21 puntos, tatlong rebounds at tatlong assists upang pangunahan ang Heavy Bombers sa ikaapat na panalo sa anim na laro.

We know for a fact na may winning culture ‘yung team na ‘yun eh. A 20-point lead in the middle of the game, ‘pag ganyang team ang kalaban mo, hindi ‘yan magmamatter until matapos so ang challenge ko talaga sa mga players ko is, are we doing what we are supposed to do when we’re playing,” ani JRU head coach Louie Gonzalez.

Nakatulong ni Miranda si John Amores na humataw ng 19 puntos, dalawang boards at dalawang assists habang nagdagdag naman si Marwin Dionisio ng 16 markers para sa Jose Rizal.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Heavy Bombers.

Nahulog sa parehong 4-2 marka ang Red Lions.

Magkasalo na ang Jose Rizal at San Beda sa ikatlong puwesto sa ilalim ng nangungunang College of Saint Benilde at Lyceum of the Philippines University na may magkatulad na 5-1 baraha.

Sa ikalawang laro, nalusutan ng University of Perpetual Help System Dalta ang Emilio Aguinaldo College sa pamamagitan ng 55-54 desisyon para umangat sa 4-3 baraha.

Wala pa ring panalo ang Generals sa anim na pagsalang.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with