^

PSN Palaro

2-0 target ng UP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
2-0 target ng UP
Nangunguna na sa lis­ta­han ang defending champion University of the Philippines (UP) na haharap sa Adamson University sa ala-una ng hapon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Apat na koponan ang magtatangkang masikwat ang ikalawang sunod na panalo sa pagpapatuloy ng UAAP  Season 85 men’s bas­ketball  tournament nga­­yong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nangunguna na sa lis­ta­han ang defending champion University of the Philippines (UP) na haharap sa Adamson University sa ala-una ng hapon.

Mag-uunahan naman ang Ateneo de Manila University at National University sa win No. 2 sa kanilang duwelo sa alas-6:30 ng gabi habang sasabak ang University of Santo Tomas kontra sa De La Salle University sa alas-4:30 ng hapon.

Target naman ng University of the East at Far Eastern University na makuha ang unang panalo sa kanilang paghaharap sa alas-11 ng umaga.

Magkakasalo sa four-way tie sa No. 1 ang Figh­ting Maroons, Blue Eagles, Bulldogs at Growling Tigers matapos manaig sa kani-kanyang unang laro.

Mainit na sinimulan ng UP ang title-retention bid nito matapos igupo ang La Salle via come-from-behind 72-69 win sa opening day noong Sabado.

Bumandera sa natu­rang panalo si Gilas Pilipinas standout Carl Tamayo na naglatag ng 18 puntos, 19 rebounds, dalawang assists at dalawang steals para pamunuan ang Figh­ting Maroons sa panalo.

Kaya naman inaasa­hang muling aariba para sa UP si  Tamayo kasama sina Malick Diouf at Terrence Fortea upang hablutin ang ikalawang panalo.

Haharapin ng UP ang Adamson na desididong ma­karesbak mula sa ka­nilang 60-69 kabiguan sa kamay ng UST noong Sabado.

Kakasa para sa Adamson si Jerom Lastimosa — ang top scorer noong Season 84.

Subalit ayaw ni Soa­ring Falcons head coach Nash Racela na kay Lastimosa lamang umasa dahil markado na ito ng kanilang mga kalaban.

“Now, it’s up to the other guys to really step up to the plate and face the responsibilities head on. They don’t really have a choice,” ani Racela.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with