^

PSN Palaro

Sotto matikas sa panalo ng 36ers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sotto matikas sa panalo ng 36ers
Dinepensahan ni Kai Sotto ng 36ers si Phoenix Suns forward Mikal Bridges sa NBLxNBA exhibition game.

MANILA, Philippines — Nagpaparamdam na si Kai Sotto matapos magpasiklab sa preseason game ng NBA na ginanap sa Phoenix, Arizona sa Amerika.

Sinamantala ng 7-foot-3 Pinoy cager ang pagkakataon para magpakitang-gilas upang tulungan ang Adelaide 36ers sa 134-124 panalo laban sa Phoenix Suns sa isang NBA preseason game sa Footprint Center.

Nasilayan sa aksyon si Sotto sa loob ng 18 minuto sa buong panahon ng laro kung saan nagrehistro ito ng 11 puntos kasama ang dalawang rebounds, dalawang steals at isang assist.

Humanga ang ilang commentators sa talento ni Sotto partikular na nang magsalpak ito ng umaatikabong slam dunk sa first quarter ng laban.

Naitarak pa ng Adelaide ang 16 puntos na kalama­ngan mula sa free throws ni Sotto sa huling 6:20 minuto sa second quarter para makalayo sa 57-41.

Nakabalik sa porma ang Phoenix sa ikatlong kanto kung saan dumikit ito sa 81-82 mula sa jumper ni Chris Paul.

Subalit muling pinamunuan ni Sotto ang 9-2 run ng Adelaide para makalayong muli sa 91-83.

Nanguna para sa A­delaide si Craig Randall na nagtala ng 35 puntos tampok ang siyam na three-pointers kasama ang tatlong rebounds, dalawang assists, dalawang steals at isang block.

Nagdagdag naman si Robert Franks ng 32 puntos mula sa matikas na 6-of-10 shooting sa three-point area kalakip ang pitong rebounds, dalawang assists at dalawang steals.

Umiskor naman si Antonius Cleveland ng 22 points at limang rebounds habang may 15 markers si Daniel Johnson.

Nagtarak ang Adelaide ng kabuuang 24 three-pointers sa buong panahon ng laban.

Nanguna sa hanay ng Phoenix si Cam Payne na may 23 points, apat na rebounds at dalawang assists habang may tig-22 puntos naman sina DeAndre Ayton at Mikal Bridges.

Muling sasalang ang Adelaide sa isa na namang preseason game laban sa Oklahoma City Thunder sa Huwebes.

Matapos nito, babalik ang 36ers sa Australia para simulan ang kanilang kampanya  sa 2022-23 NBL sea­son.

KAI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with