^

PSN Palaro

PVL hahataw sa Sta. Rosa

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilabas na ang schedule ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na papalo sa Oktubre 8 sa Santa Rosa Sports Complex sa Laguna.

Apat na koponan ang mag-uunahang makakuha ng unang panalo sa opening day ng liga.

Unang sasalang ang PLDT Home Fibr at Philippine Army sa alas-2:30 ng hapon habang aariba naman ang baguhang Akari Chargers kontra sa Cignal HD Spikers sa alas-5:30 ng hapon.

Magpapatuloy ang aksyon sa Oktubre 11 sa Philsports Arena sa Pasig City kung saan masisilayan ang F2 Logistics at Chery Tiggo sa alas-2:30 ng hapon.

Susundan ito ng bakbakan ng PetroGazz at Choco Mucho sa alas-5:30 ng hapon.

Sisimulan naman ng Creamline ang tangkang Grand Slam sa pagharap nito sa PLDT Home Fibr sa Oktubre 13 sa Philsports Arena. 

Magtutuos din ang F2 Logistics at Choco Mucho.

Namamayagpag ang Cool Smashers sa taong ito.

Pinagreynahan ng Creamline ang unang dalawang kumperensiya ng PVL sa 2022 season — Open Confe­rence at Invitational Conference.

Subalit mapapalaban ang Cool Smashers sa Reinforced Conference dahil magtatampok ang bawat koponan ng foreign imports.

Nangunguna na sa magiging balakid sa Grand Slam bid ng Cool Sma­shers ang Cargo Movers na desididong masikwat ang korona ng Reinforced Conference.

Babanderahan ang F2 Logistics ni American outside hitter Lindsay Stalzer kasama pa si Filipino-American wing spiker Kalei Mau na nakabalik na sa Pilipinas.

Hinugot pa ng Cargo Movers si middle blocker Ivy Lacsina para mas lalo pang palakasin ang kanilang tropa.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with