^

PSN Palaro

Leg 3 crown ng PBA 3x3 inangkin ng Meralco

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Leg 3 crown ng PBA 3x3 inangkin ng Meralco
Hinirang na kampeon ang Meralco Bolts sa Leg 3 ng PBA 3x3 First Conference Season 2.
PBA Image

MANILA, Philippines — Kinuryente ng Meralco ang baguhang J&T Express, 19-14, sa finals para makopo ang Leg 3 crown ng PBA 3x3 First Conference Season 2 kahapon sa Robinson’s Place sa Las Piñas.

Umiskor si big man Alfred Batino ng 9 points at may 6 markers si Leo De Vera para sa pagbulsa ng Bolts sa premyong P100,000 kasama sina Reymar Caduyac at Tonino Gonzaga.

Bigo naman sina Robin Rono, Robert Datu, Joseph Sedurifa at Jeric Teng ng Express sa una nilang finals appearance para makuntento sa P50,000 bilang runner-up.

Samantala, dinomina ng Braves ang Tropang Giga, 21-13, para angki­nin ang third place at prem­yong P30,000.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with