^

PSN Palaro

Taylor bida sa Rain or Shine

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mula sa kanilang ensayo hanggang sa aktuwal na laro ay dinala ng Rain or Shine ang kanilang intensidad para iposte ang ikalawang sunod na ratsada.

Tumipa si import Steve Taylor Jr. ng 20 points, 24 rebounds, 3 assists, 3 blocks at 2 steals para sa 106-94 pagdaig ng Elasto Painters sa Terrafirma Dyip sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

“The energy in practice was siguro elevated to another level,” sabi ni coach Yeng Guiao sa 2-1 baraha ng Rain or Shine. “Everybody was upbeat and positive. Dinala lang namin iyon sa laro na ito.”

Nagdagdag si Gian Mamuyac ng 17 markers kasunod ang tig-12 points nina Beau Belga at Andrei Caracut.

Ito naman ang ikatlong dikit na kamalasan ng Terrafirma, pansamantalang hinawakan ni assistant coach Gian Nazario, para sa kanilang 19-game losing slump sapul noong 2021 PBA Governor’s Cup.

Kumolekta si import Lester Prosper ng 20 points, 16 boards at 3 assists.

Inagaw ng Dyip ang 47-46 abante bago ang halftime matapos buma­ngon mula sa 18-28 agwat sa first period.

Muling nakalayo ang Elasto Painters sa third canto hanggang iposte ang 17-point lead, 94-77, sa huling 5:59 minuto ng fourth quarter galing sa triple ni Gabe Norwood.

Naselyuhan ang panalo ng Rain or Shine matapos ang split ni Mike Nieto sa natitirang 1:17 minuto kung saan nila itinala ang 104-86 kalamangan.

Nag-ambag si Juami Tiongson ng 17 points sa panig ng Terrafirma, habang may 14 at 11 mar­kers sina Alex Cabagnot at Joshua Munzon, ayon sa pagkakasunod.

RAIN OR SHINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with