^

PSN Palaro

Cardinals bagsak sa Chiefs

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakabalik sa porma ang Arellano University nang pabagsakin nito ang Mapua University sa bisa ng 64-59 desisyon kahapon sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 98 men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Matapos ang dalawang sunod na kabiguan, naka­balikwas ang Chiefs para umangat sa 4-3 rekord.

Naging matikas na sandalan ng Chiefs si Axel Doromal na umiskor ng 16 points at dalawang rebounds habang kumamada si Cade Flores ng double-double showing na 14 points, 11 rebounds kasama ang dalawang blocks para pamunuan ang Chiefs sa panalo.

Nagdagdag pa si Sha­ne  Menina ng 13 points, pitong rebounds at dalawang assists gayundin si Jade Talampas na gumawa ng pitong puntos at tatlong rebounds.

“Alam natin ano yan, second place last NCAA. So intact yung line-up. So kailangan talaga trumabaho kami sa depensa. Di pwedeng relax. Pag nag-relax ka don, patay na naman kami,” ani Arellano head coach Cholo Martin.

Lamang ang Chiefs ng 10 puntos sa fourth quarter nang maglatag ang Cardinals ng 8-0 run para makadikit sa 54-64.

Subalit agad na na­gising ang Arellano nang magsanib-puwersa sina Doromal, Flores at Menina para tuluyang tuldukan ang paghahabol ng Mapua.

Nasa ilalim ng stan­dings ang Cardinals na wala pa ring naipapanalo sa pitong pagsalang.

Sa katunayan, maganda ang simula ng Mapua nang gulantangin nito ang San Beda University sa opening day.

Subalit na-forefeit ang nag-iisang panalo ng Cardinals sa Red Lions dahil sa pagpasok ng ineligible player na si Gab Gamboa sa lineup.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with