^

PSN Palaro

Maroons lusot sa Archers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Maroons lusot sa Archers
Nailusot ni Miguel Pangilinan ng UST ang kanyang layup laban kay Aaron Flowers ng Adamson sa UAAP.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Nalusutan ng defen­ding champion University of the Philippines (UP) ang hamon ng De La Salle University (DLSU), 72-69, upang magarbong simulan ang pagdepensa nito sa titulo sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 85 men’s basketball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Humataw ng husto si Gilas Pilipinas standout Carl Tamayo na nagpaka­wala ng 18 puntos, 19 rebounds, dalawang assists at dalawang steals para buhatin ang Fighting Maroons sa 1-0 panimula.

Mainit din si Terrence Fortea na kumana ng 15 puntos, siyam na assists at limang rebounds habang nagdagdag si Malick Diouf ng siyam na puntos at 13 boards.

Tanging si Alex Wins­ton lamang ang nagtala ng double figures para sa Green Archers bitbit ang 27 puntos kasama ang tatlong steals, dalawang boards at dalawang assists.

Nahulog ang La Salle sa 0-1 marka.

Sa unang laro, maagang naglabas ng pa­ngil ang University of Santo Tomas nang kubrahin nito ang 69-60 desisyon kontra sa Adamson University para makuha ang unang panalo.

Nagpakitang-gilas agad si Nic Cabanero na humataw ng impresibong 33 puntos mula sa matikas na 13-of-18 shooting clip para buhatin ang Growling Tigers sa pambuenamong panalo.

Bukod pa rito ang na-gawa ni Cabanero na apat na assists, dalawang rebounds, at isang steal.

“Sobrang overwhelmed and blessed kasi pinagdadasal ko kasi I’m turning 19 kasi this Monday. Lagi kong ipinagdadasal na ibigay sa amin itong first win, hindi lang first pati ‘yung up­coming games,” ani Cabanero.

Ito ang unang panalo ni Growling Tigers head coach Bal David bilang mentor sa UAAP.

Nagbigay ng solidong tu­long si Senegalese Ada­­ma Fayeng na may pitong puntos, 15 rebounds, dalawang blocks at dalawang steals para sa UST.

Bumandera para sa Soaring Falcons si Lenda Douanga na may double double na 13 points.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with