^

PSN Palaro

UST, Perpetual malinis pa rin

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilampaso ng Univer­sity of Santo Tomas ang San Sebastian College-Recoletos, 25-16, 25-21, 25-18, upang mapa­natiling malinis ang rekord nito sa Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Walang sinayang na sandali ang Tigresses nang ilatag ang malakas na puwersa sa buong panahon ng laro upang mabilis na mapataob ang Lady Stags.

Sumulong ang UST sa ikalawang sunod na panalo para manguna sa Pool B bitbit ang 2-0 marka.

Ganito rin ang ginawa ng University of Perpetual Help System Dalta na wala pa ring bahid ang rekord sa Pool A.

Napaamo ng Perpetual Help ang University of the East sa pamamagitan ng 25-22, 27-25, 25-16 desis­yon para makuha ang ikalawang dikit na pananaig.

Solong-solo rin ng Lady Altas ang unahan ng stan­dings sa Pool A bitbit ang imakuladang 2-0 baraha.

Lumasap naman ng unang kabiguan ang Lady Warriors para malaglag sa 1-1 kartada.

Puntirya ng Perpetual Help na maikonekta ang ikatlong sunod na panalo ngayong araw sa pagsagupa nito sa mapanganib na University of the Philippines sa alas-10 ng umaga.

Hahataw din ang bakbakan ng Adamson University at San Sebastian College-Recoletos sa alas-12:30 ng tanghali kasunod ang laban ng Mapua University at San Beda University sa alas-3 ng hapon at ng Jose Rizal University at Arellano University sa alas-5:30 ng hapon.

vuukle comment

UST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with