^

PSN Palaro

Mayweather gusto ilihim ang 'lovelife' mula sa fans

Luisa Morales - Philstar.com
Mayweather gusto ilihim ang 'lovelife' mula sa fans
Floyd Mayweather
AFP

MANILA, Philippines — Inamin ni boxing icon Floyd Mayweather Jr. na hiling niyang manatiling pribado ang kanyang personal na buhay mula sa mga fans.

Pagkatapos i-anunsyo na isasalaysay ang kanyang buhay sa isang docuseries sa susunod na taon, sinabi ng 45 anyos na boksingero na wala siyang balak ipasilip sa manonood ang mga masyadong personal na buhay — katulad ng kanyang buhay pag-ibig.

Sa isang press conference sa Okada Manila para sa kanyang partnership sa local streaming service na AQ Prime, nilahad ni Mayweather ang kanyang opinyon sa pagbabahagi ng personal na buhay.

"A lot of times, we talk about love lives, about mean and women, you know? I spoke about this before. Everything is not for everybody, you know?" wika ni Mayweather.

"I like to keep things private, even on my documentary." 

Si Mayweather ay hindi pa kinakasal, ngunit siya ay nagkaron ng apat na anak. Tatlo sa mga ito ay anak niya kasama is reality star Josie Harris.

Mayroon rin siyang isang anak kay Melissa Brim. Si Mayweather rin ay may isang adopted na anak na lalaki.

Noong 2010, nakasuhan si Mayweather ng "domestic battery" ni Harris. Dalawang buwan nanatili ang boksingero sa kulungan.

Si Liza Hernandez, isa sa mga naging nobya rin ng former Los Angeles Lakers owner Jerry Buss, ang umano'y kasalukuyang girlfriend ni Mayweather.

Kahit na walang balak ibahagi tungkol sa kanyang buhay pag-ibig si Mayweather, pinangako niya na mayroon paring makikitang bago ang fans sa kanyang docuseries.

"You may see a few little things but most times, my personal life, I like to keep it behind the scenes," sabi ng boksingero.

Bunga ng partnership ni Mayweather sa AQ Prime, sinabi ng mga may-ari ng kumpanya na maaring sa local streaming service maipalabas ang pinaplanong docuseries.

BOXING

FLOYD MAYWEATHER JR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with