^

PSN Palaro

NLEX tumabla sa liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
NLEX tumabla sa liderato
Inararo ni NLEX import Earl Clark si Ato Ular ng Blackwater para sa kanyang basket sa PBA.
Jun Mendoza

Bolick inilusot ang Northport sa OT

MANILA, Philippines — Kinailangan ng NLEX na bumangon mula sa 16-point deficit sa third period para dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na ratsada.

Kumolekta si import Earl Clark ng 36 points, 24 rebounds, 4 assists at 3 blocks para banderahan ang Road Warriors sa 105-102 pagresbak sa Blackwater Bossing sa 2022 PBA Commissioners Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nag-ambag si Don Trollano ng 18 markers at may 16 at 10 points sina Kevin Alas at Matt Nieto, ayon sa pagkakasunod, para sa 2-0 record ng NLEX at sosyohan ang guest team na Bay Area Dragons sa itaas ng standings.

“Iyong sistema ni coach (Frankie Lim) for the past three days we are prac­ticing well. Na-adopt agad nila iyong sistema,”  ani assistant coach Adonis Tierra. “The good thing here is when we were trailing hindi bumitaw iyong mga bata.”

Umiskor si Baser Amer ng 26 points para sa Blackwater (1-2).

Maagang nagtayo ang Bossing ng 23-13 abante sa first period bago ito palobohin sa 16-point lead, 64-48, mula sa basket ni Krutwig sa 9:19 minuto ng third quarter.

Isang 16-2 atake ang pinagbidahan nina Clark at Alas para ibigay sa Road Warriors ang 101-97 bentahe sa huling 1:09 minuto ng final canto galing sa 85-95 pagkakaiwan.

Ang free throw ni Alas sa natitirang 23.4 segundo ang sumelyo sa panalo ng NLEX.

Sa ikalawang laro, nagpasabog si Robert Bolick ng career-high na 44 points para sa 101-95 overtime win ng NorthPort laban sa Meralco at ilista ang 2-1 baraha.

Bumangon ang Batang Pier mula sa 20-point deficit, 47-67, sa third quarter sa likod ng tinaguriang ‘White Rabbit’ para makapuwersa ng extension, 89-89.

Humakot si import Prince Ibeh ng 12 mar­kers, 11 rebounds at 8 blocks para sa koponan ni coach Pido Jarencio.

NLEX

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with