^

PSN Palaro

UAAP sasambulat ngayon!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
UAAP sasambulat ngayon!
Nagkakaisang hinawakan nina (mula sa kaliwa) UE assistant coach Don Allado, UST assistant Rodney Santos, La Salle head coach Derrick Pumaren, Adamson coach Nash Racela, UAAP Executive Director Atty. Rene Andrei Saguisag, UAAP Commissioner Richard Bachmann, UP coach Goldwin Monteverde, Ateneo coach Tab Baldwin, NU coach Jeff Napa at FEU coach Olsen Racela ang bola ng UAAP Season 85.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Aarangkada na ang prestihiyosong UAAP Season 85 men’s basketball tournament ngayon tampok ang apat na koponang mag-uunahang makakuha ng unang panalo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nangunguna sa lista­han ang defending champion University of the Phi­lippines na sisimulan ang kanilang title defense laban sa De La Salle University sa alas-4 ng hapon.

Bago ito, masisilayan muna ang bakbakan ng season host Adamson University at University of Santo Tomas sa alas-2.

Nakasentro ang atensiyon ng lahat sa Fighting Maroons.

Bagama’t dalawang key players ang wala sa lineup ng UP — si Ricci Rivero na nakatakdang maglaro sa isang commercial league sa Taiwan at si CJ Cansino na nagpapagaling pa sa injury — nananatiling malakas ang Fighting Maroons dahil solido pa rin ang lineup nito.

Pamumunuan ang UP ni Gilas standout Carl Tamayo kasama sina Zavier Lucero, JD Cagula­ngan at Malick Diouf na tunay na maaasahan ni UP head coach Godlwin Monteverde.

Nadagdagan pa ito nina Henry Galinato at Cyril Gonzales.

Sumalang pa ang UP sa ilang serye ng tuneup game sa South Korea para mas lalong mapalakas ang tropa nito.

“We want to teach them on how to play together dahil malaking factor yung chemistry,” ani Monteverde.

Sa kabilang banda, ga­ling ang La Salle sa mata­gumpay na preseason campaign kung saan nagkampeon ito sa 2022 PBA D-League Aspirants Cup at tanso naman sa Preseason Cup.

Malaking butas ang pagkawala nina Justine Baltazar at Kurt Lojera.

Ngunit malalim ang lineup ng Green Archers dahil nariyan pa sina Michael Phillips, Schonny Winston, Mark Nonoy at Evan Nelle kasama ang baguhang si Kevin Quiambao.

Nais din ng La Salle na makabawi sa UP dahil ang Fighting Maroons ang nagpatalsik sa kanila sa Final Four noong nakaraang season.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with