^

PSN Palaro

Bolts susukatan ang Batang Pier

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bolts susukatan ang Batang Pier
Parehong napaupo sina Ginebra forward Christian Standhardinger at Rain or Shine guard Mike Nieto matapos magbanggaan sa kanilang laro nitong Miyerkules.
Jun Mendoza

Balanza, Ferrer hinugot ni Ayo

MANILA, Philippines — Ipaparada ng Meralco si dating NBA forward Johnny O’Bryant sa pagharap sa NorthPort, habang target ng NLEX ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Lalabanan ng Bolts ang Batang Pier nga­yong alas-5:45 ng hapon matapos ang salpukan ng Road Warriors at Blackwater Bossing sa alas-3 ng hapon sa 2022 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Naglaro ang 6-foot-9 na si O’Bryant sa NBA para sa Milwaukee Bucks, Denver Nuggets at Charlotte Hornets.

“We just want to get a solid player, somebody who we know is good offensively and defensively and who can rebound the basketball. In our case, we don’t want a wingman; we want a guy who also plays in the paint because that’s our weakness,” ani Meralco coach Norman Black.

Muli namang sasandalan ni NorthPort mentor Pido Jarencio si balik-import Prince Ibeh bukod kina Robert Bolick, Arwind Santos, Roi Sumang at Arvin Tolentino.

Nalusutan ng guest team na Bay Area Dragons ang Batang Pier, 105-104, mula sa buzzer-beating three-pointer ni import M­yles Powell.

Sa unang laro, mu­ling gigiyahan ni assistant coach Adonis Tierra ang NLEX sa pagharap sa Blackwater hangad ang ikalawang sunod na pa­nalo.

Isisilbi ni Lim, pumalit kay Yeng Guiao sa Road Warriors, ang kanyang one-game suspension na ipinataw sa kanya bilang coach ng Barangay Ginebra noong 2015 PBA Go­vernor’s Cup quarterfinals kung saan niya binira si dating Alaska  Aces forward Calvin Abueva.

“Gusto niya fast-paced ang opensa, takbuhan ang kalaban kung kaya, if we have the numbers. Otherwise, we have to mix it up dahil may mga halfcourt sets naman kami,” ani Tierra kay Lim.

Nagmula ang NLEX sa 96-90 panalo sa Rain or Shine tampok ang 26 points, 14 rebounds, 6 blocks, 4 assists at 4 steals ni import Earl Clark.

Samantala, hinugot ni Converge coach Aldin Ayo ang kanyang dating Letran Knights’ star na si Jerrick Balanza kasama si Kevin Ferrer mula sa NorthPort kapalit nina Allyn Bulanadi at Tyrus Hill.

Naglaro si Balanza para kay Ayo at sa Letran Knights na naghari noong 2015 NCAA season.

Nauna nang kinuha ng FiberXers si Aljun Melecio, ang playmaker ni Ayo sa La Salle Green Archers na nagkempeon noong 2016 UAAP season, mula sa Phoenix Fuel Masters.

NLEX

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with