^

PSN Palaro

SLP-PH Team hahakot ng ginto sa Dubai

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
SLP-PH Team hahakot ng ginto sa Dubai
Kabilang sina (mula kaliwa) Louise Andrei Lim, Andrae Kenzie Samontanes, coach Bryan Estipona, Kathryn Leigh Kier at Hanna Mikaela Lim na isasabak ng Swimming League Philippines (SLP) sa Dubai meet sa Oktubre 22-23 na bumisita sa TOPS ‘Usapang Sports’ sa Behrouz Persian Cuisine sa Timog, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Handa na ang Swimming League Philippines (SLP)-Team Philippines na humakot ng medalya sa Hamilton Aquatics Short Course sa Dubai, United Arab Emirates na idaraos sa Oktubre 22 hanggang 23.

Tiwala si SLP-Philippine Team head coach Bryan Estipona sa kakayahan ng mga Pinoy tankers kaya’t optimistiko ito sa magiging kampanya ng kanyang bataan.

“Unang-una po nagpapasalamat ako sa tiwalang ibinigay ng SLP sa pangu­nguna ni Madam Joan Mojdeh na pangunahan ko ang team. May halos tatlong linggo pa para makapagsanay at makapaghanda pero sa apat na swimmers na under sa swimming club ko, masasabi ko na talagang palaban ang mga ito,” ani Estipona na dumalo sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) “Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Behrouz Restaurant sa Timog, Quezon City.

Apat na swimmers ang hawak ni Estipona na ga­ling sa kanyang team na Sharpeedo Swim Team-Caloocan.

Ito ay sina Andrea Kenjie Samontanes, Kathryn Leigh Kier at ang magkapatid na Louis Andrei at Hanna Mikaela Lim.

Si Kathryn ang pinakabatang miyembro ng national team sa edad na 10-anyos.

“Gagawin ko po ang makakaya ko, pero kahit hindi ako magmedalya, kahit maimproved ko lang yung time ko masaya na po ako at maibibida sa pamilya at sa mga sumusuporta sa akin,” anang Grade 4 student ng Baguio SPED Center sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Restaurant.

Pasok si Kathryn sa 50m at 100m backstroke.

Masaya naman si Sa­montanes na maging bahagi ng national team na sasabak sa Dubai meet.

At umaasa itong masundan ang yapak nina National junior record holder Jasmine Mojdeh at Olympic champion Michael Phelps.

“Nasubaybayan ko po yung career ni Jasmine kaya gusto kong magawa rin yung acheivement niya. Idol ko si Phelps. I’ll try my very best to improve, I thank coach and my pa­rents for being supportive on my dream to become an elite swimmers someday,” ani Samontanes.

Sabay sabay na magsasanay ang buong team sa susunod na linggo para matutukan ng husto ang bawat isa, ayon kay Estipona.

Kasama rin sa delegasyon sina Julia Ysabelle Basa, Behrouz Mohammad Mojdeh, Patricia Celine De Chavez, Yugo Cabana, Charles Matthew De Luna, Lyyld Wynn Robles, Davidmorvyn Gillego, Master Charles Janda, at Jarold Kesley Camique.

SWIMMING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with