^

PSN Palaro

Ginebra tambak sa Rain or Shine

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra tambak sa Rain or Shine
Dinepensahan ni Japeth Aguilar ng Ginebra si Rain or Shine import Steve Taylor.
PBA Image

MANILA, Philippines — Diniskaril ng Rain or Shine ang debut ni Jamie Malonzo para sa Barangay Ginebra matapos kunin ang 93-71 panalo sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Humakot si import Steve Taylor ng 21 points, 10 rebounds at 5 assists para sa 1-1 record ng Elasto Painters, habang may 15 at 10 markers sina Leonard Santillan at Mike Nieto, ayon sa pagkakasunod.

“Malaking isda itong nahuli namin. Pero mahirap mahuli iyong Ginebra sa ganitong sitwasyon,” ani Rain or Shine coach Yeng Guiao.

Kumolekta si Malonzo ng 14 points, 8 rebounds, 3 assists at 3 blocks para sa Gin Kings na nakakuha kay resident import Justin Brownlee ng 20 markers, 16 boards at 5 assists.

Mula sa 25-23 bentahe sa first period ay humataw ang Rain or Shine sa se­cond quarter para ibaon ang Ginebra sa 53-27 ga­ling sa basket ni Taylor sa huling 1:35 minuto nito.

Kahit anong pilit ng Gin Kings na makalapit ay hindi nila nagawa kung saan ipinoste ng Elasto Painters ang 87-55 abante galing sa tres ni Nieto sa huling 4:15 minuto ng final canto.

Sa unang laro, nagposte si European import Nikola Rakocevic ng 45 points at 25 rebounds para sa 100-92 paggiba ng Magnolia sa Terrafirma.

Ito ang ika-14 sunod na pagdaig ng Hotshots sa Dyip na nalaglag sa 18-game losing slump simula noong 2021 PBA Governors’ Cup.

Muling nabalewala ang hinakot ni balik-import Lester Prosper na 41 points at 19 rebounds para sa Terrafirma na naagaw ang 92-91 abante sa huling 2:59 minuto ng fourth period mula sa 58-73 pagkakaiwan.

Isang 9-0 atake ang ginawa ng Magnolia tampok ang two-handed dunk ng 24-anyos na si Rakocevic sa natitirang 31.5 segundo para sa final score.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with