^

PSN Palaro

Pirates matatag sa No.1 spot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pirates matatag sa No.1 spot
Enoch Valdez.
NCAA

MANILA, Philippines — Patuloy ang pana­nalasa ng Lyceum of the Philippine University nang yanigin nito ang University of Perpetual Help System Dalta, 82-77, upang mapatatag ang kapit sa No. 1 spot sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Pirates para umangat sa 4-1 baraha.

Bida si Enoch Valdez na bumanat ng 13 puntos kabilang ang siyam na puntos sa fourth quarter upang tulungan ang Lyceum na masikwat ang ikaapat na sunod na panalo.

Nagparamdam din si Mclaude Guadana na nagtala ng 12 puntos para sa Pirates.

Malakas na puwersa ang inilatag ng Pirates sa huling kanto ng laro kung saan naungusan nito ang Altas, 26-14, tampok ang siyam na puntos galing kay Valdez.

Nahulog naman ang Perpetual Help sa 2-3 marka.

Pinatawan naman ng isang larong suspensiyon sina Brent Paraiso at Louie Sangalang ng Colegio de San Juan de Letran sa laban ng Knights kontra sa Mapua University noong Martes.

Binigyan ng automatic ejection si Paraiso dahil sa ‘act of violence’ habang napatawan naman si Sangalang ng ikalawang technical foul na nagresulta sa ejection.

“Upon thorough review, it was established that Paraiso intentionally hit Mapua’s Adrian Nocum at the back of his head with an elbow which is a deliberate act of violence and not a legitimate basketball play,” ayon sa statement.

Hindi makakapaglaro sina Paraiso at Sangalang sa laban ng Letran kontra sa San Beda University sa Biyernes.

LYCEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with