^

PSN Palaro

Cone handang magsakripisyo para sa Gilas Pilipinas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cone handang magsakripisyo para sa Gilas Pilipinas
Tim Cone.
PBA media bureau

MANILA, Philippines — Handa si Gilas Pilipinas coaching staff member  Tim Cone na magsakripisyo para makatulong sa paghahanda ng national team sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Aminado si Cone na ma­giging matindi ang sche­dule sa fifth window dahil tatamaan nito ang ginaganap na PBA Commissioner’s Cup.

Mahahati ang oras ni Cone sa paghawak sa Barangay Ginebra at sa trabaho nito sa Gilas.

Ngunit beterano na si Cone at alam na nito ang kanyang gagawin dahil maraming beses na ito naging bahagi ng national team sa mga nakalipas na taon.

“That’s part of the sacrifice and it’s something we are willing to do. And on the other hand, it’s really exci­ting playing Saudi Arabia and Jordan. I’ve never been there. So that’s kind of cool,” wika ni Cone.

Sa ngayon, nais muna ni Cone na isentro ang atensiyon nito sa Gin Kings.

Umaasa si Cone na maganda ang puwesto ng Gin Kings bago ang fifth window ng qualifiers upang maging mas madali ang trabaho nito.

Sa Nobyembre 10 ang unang laro ng Gilas Pilipinas sa fifth window kung saan makakaharap nito ang Jordan sa Amman, Jordan kasunod ang Saudi Arabia sa Nobyembre 13 sa Damman, Saudi Arabia.

Sa PBA - San Miguel Beer, Barangay Ginebra at Talk ’N Text - kukuha ng majority ng Gilas pool habang may ilang players din na magmumula sa Japan B.League at UAAP.  

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with