^

PSN Palaro

Bacyadan may tsansa sa Paris Olympics berth

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bukod kay Nesthy Petecio ay may isa pang Pinay boxer na maaaring makapasok sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.

Tinukoy ni national head coach Don Abnett si middleweight bet Hergie Bacyadan na malaki ang tsansang makasuntok ng Olympic ticket sa Paris.

“She has a strong chance in the middleweight. She’s improving all the time and boxing very well at the moment,” wika ng Australian coach kay Bacyadan na dating wushu athlete bago naging boxer.

Kumolekta ang tubong Kalinga ng gold medal sa nakaraang Thailand Open International Boxing Tournament kasama sina flyweight Rogen Ladon at lightweight Riza Pasuit.

Sa Tokyo Olympics ay sumuntok si Petecio ng silver medal sa women’s featherweight division, habang may silver din si flyweight Carlo Paalam at bronze si middleweight Eumir Felix Marcial.

Bigo naman si flyweight Irish Magno na makapag-uwi ng Olympic medal.

Sina Petecio, Paalam, Marcial at Magno ang muling mamumuno sa kampanya ng national boxing team para sa Olympic spot sa Paris kasama sina Bacyadan, Ladon, Pasuit at Ian Clark Bautista.

Sasabak din ang koponan sa 32nd SEA Games sa Cambodia sa Mayo ng 2023 at sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.

NESTHY PETECIO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with