^

PSN Palaro

Philippine boxers mas madaling makakasuntok ng Olympic slot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaari nang maka-qualify ang mga Pinoy amateur boxers sa 2024 Olympic Games sa pamamagitan ng Asian Games.

Ito ay dahil sa ginawang pagbabago ng International Olympic Committee (IOC) kung saan isinama ang Asian Games sa qualification process ng Olympics.

“It’s like hitting two birds in one stone. You perform well in the Asian Games, and get the chance to also qualify in the Olympics,” ani Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) executive director at secretary-general Marcus Manalo kahapon sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

Dati para makapaglaro sa Olympics ay kailangan ng mga boxers na sumabak sa mga continental championships o mga qualifying meets at hindi sa pamamagitan ng Asiad.

Nakatakda ang quadrennial event sa Hangzhou, China sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.

Kasalukuyan nang naghahanda ang ABAP national team sa Baguio City kasama sina Tokyo Olympics silver winners Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze medalist Eumir Felix Marcial.

Unang sasabakan ng koponan ang 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo 5-16 ng 2023 bago ang Hangzhou Asiad.

Magtutungo ang mga national boxers sa Amman, Jordan sa Oktubre 10 para sa training camp at lalahok sa Asian Championships sa Oktubre 20 hanggang Nobyembre 13.

ASIAN GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with