^

PSN Palaro

Pacquiao- Mayweather malabo na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao- Mayweather malabo na!
Pacquiao at Mayweather
File

Floyd kinumpirma

MANILA, Philippines — Walang balak si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. na muling makasagupa si eight-division world champion Manny Pacquiao sa isang laban.

Kahit pa exhibition match, hindi ito papatusin ni Mayweather.

Ito ang mariing iniha­yag ng American fighter matapos ang kanyang exhibition match kay Japanese mixed martial arts fighter Mikuru Asakura sa Saitama Super Arena sa Saitama, Japan.

Iginiit ni Mayweather na tapos na ang misyon nito sa professional bo­xing fight.

At wala na itong plano pang bumalik sa pro boxing upang maproteksiyunan ang kanyang katawan.

“I retired from the sport, I didn’t let the sport retire me. I’m not going to get in there – no former fighters, former world champions putting any more abuse on my body,” ani Mayweather.

Ginagawa na lamang ni Mayweather ang exhibition matches para mag-enjoy at mapasaya ang mga tagahanga nito.

“I retired for a reason. I’m here to have fun, enjoy myself, sometimes three rounds, and sometimes eight rounds with guys that’s going to help me entertain the people. I’m not going to take punishment to the point where I can barely walk and barely talk,” dagdag ni Mayweather.

Parehong retirado na sina Mayweather at Pacquiao.

Ngunit nilinaw ni Mayweather na magkaiba ang estado nila ni Pacquiao.

“Manny had a great career but boxing retired Manny, Manny didn’t retire from boxing. There’s a difference,” ani Mayweather.

Hangad ni Maywea­ther na maipagpatuloy ang kanyang buhay base sa kanyang desisyon gaya ng pagtanggap sa mga exhibition matches.

Naitala ni Mayweather ang second round knockout win kay Asakura noong Linggo ng gabi kung saan personal na nanood si Pacquiao sa laban.

Nakatakda ring sumalang sa isang exhibition match si Pacquiao kontra naman kay South K­orean mixed martial artist at Youtuber DK Yoo sa Dis­yembre.

Idaraos ito sa Seoul, South Korea.

FLOYD MAYWEATHER JR.

MANNY PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with