^

PSN Palaro

Tolentino Cignal Play-PBA POW

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Parang hindi bagong player ng NorthPort si Arvin Tolentino.

Sa una kasing dala­wang laro ng Batang Pier sa 2022 PBA Commissioner’s Cup ay kumamada agad ang 6’5 shooter ng mga averages na 19.0 points, 8.0 rebounds, 4.0 assists, 2.5 blocks at 2.0 steals.

Ibinigay ng Barangay Ginebra si Tolentino sa NorthPort bilang bahagi ng isang three-team trade sangkot ang San Miguel.

Nahugot ng Gin Kings si sophomore big man Jamie Malonzo mula sa Batang Pier kapalit nina Tolentino, Prince Caperal at isang future draft pick.

“Ang iniisip ko, gusto ako ni coach Pido (Jarencio). Gusto ako ng NorthPort. I don’t want to think na ayaw sa akin ng Ginebra,” ani Tolentino, ang 10th pick overall ng Ginebra noong 2019 PBA Draft.

Hinirang si Tolentino bilang unang Cignal Play-PBAPC Player of the Week at tinalo si NorthPort teammate Robert Bolick at sina Baser Amer, Troy Rosario at Rashawn McCarthy ng Blackwater.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with