^

PSN Palaro

EASL kinansela ang home-and-away tourney

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinansela kahapon ng East Asia Super League (EASL) ang kanilang Season 1 home-and-away tournament dahil sa mga COVID-19-related issues sa rehiyon.

Nauna nang itinakda ng EASL ang kanilang inaugural tournament sa Oktubre 12 kung saan sasalang ang 2022 Philippine Cup champions na San Miguel at runner-up na TNT Tropang Giga bilang kinatawan ng PBA.

Sa South Korea at Manila sana gagawin ang season opener ng torneo.

Sa pagkakansela sa Season 1 ay gagawin ng EASL ang ‘Champions Week’ tournament sa 2023 na magtatampok sa walong qualifiers.

Ang mga qualifiers ay ang SMB, TNT, reigning KBL titlist na Seoul SK Knights at runner-up An­yang KGC, ang Taipei Fubon Braves ng P. League+ ng Chinese Taipei, ang Utsunomiya Brex at Ryukyu Golden Kings ng Japan B. League at ang Bay Area Dragons ng Greater China.

Kasalukuyang nagla­laro ang Dragons sa 2022 PBA Commissioner’s Cup.

“Our mission remains to create the premier basketball league and entertainment experience in Asia, elevating the sport in the region,” wika ni EASL CEO Matt Beyer.

“Controlling variables and operating our season in the most responsible manner reduces uncertainty for all our stakeholders as international travel throughout the region rebounds incrementally,” dagdag nito.

COVID-19

EAST ASIA SUPER LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with