^

PSN Palaro

Diamante muling kuminang, humakot ng 6 ginto sa COPA meet

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Diamante muling kuminang, humakot ng 6 ginto sa COPA meet
Hindi naging sagabal sa girls swimmers ang parating na bagyong Karding sa pagpapatuloy ng COPA- Novice swimfest girls division sa Rizal Memorial Swimming pool kahapon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kuminang si Nicola Queen Diamante sa makulimlim na Linggo matapos dominahin ang anim sa pitong events sa pagtiklop ng 1st Novice Swim Championship kahapon sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.

Hinirang ang star tan­ker ng RSS Dolphins Swim Team bilang ‘most bemedalled athlete’ nang pamunuan ang girls’ 11-yrs old class A 25-meter freestyle (14.30 segundo), butterfly (14.80), backstroke (16.30), breastroke (21.40), 50-meter freestyle (30.40) at 100m Individual medley (1:29.40).

Ginawa ito ni Diamante bago pa man bumuhos ang malakas na ulan bunga ng pagragasa ng bagyong ‘Karding’.

“Masayang-masaya po ako at nagpapasalamat sa COPA (Congress of Philippine Aquatics, Inc.) dahil tuluy-tuloy ang tournament nila sa mga batang katulad ko,” ani Diamante.

Bigo si Diamante na makumpleto ang sweep sa grassroots development program ng COPA na pinamumunuan ni Batangas 1st District Rep. Eric Buhain at suportado ng Speedo nang matalo kay Alex Pasia ng Sharknado Swimming Team sa 100m freestyle.

Naglista si Pasia ng bilis na 45.80 segundo kontra sa 1:09.10 ni Diamante.

Tinanghal ding top swimmer si Diamante sa nakaraang Reunion swimfest ng COPA matapos kumuha ng apat na gold medals sa Class A 100m butterfly (1:21.30); 100m backstroke (1:24.70), 100m freestyle (1:11.00) at 200m back (3:04.90).

Sinabi ni COPA Board member Chito Rivera na plano nilang doblehin ang bilang ng mga kalahok sa Reunion 3rd leg swim challenge sa Oktubre 22 at 23.

Ang iba pang mga nag­­wagi ay sina Chloe Phoemela Constantino sa 14-yrs 25-m frestyle (class C, 15.70), Alexandra Pascua (class N, 18.10), 15-over 25m freestle, Mary Christine Llorente (class A, 13.95); Katreena Via Duque (class C, 14.50); Faith Real (class N, 17.20); 8-yrs 50-m free, Isebelle Ramirez (class A, 44.90); Eunice Jacinto (class N, 55.60); 9-yrs 50-m free, at Alandria Delantar (class A, 36.20).

COPA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with