^

PSN Palaro

UST-ADU game inabot ng madaling araw

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
UST-ADU game inabot ng madaling araw
Eya Laure.
UAAP

MANILA, Philippines —  Inabot ng madaling-araw ang opening day ng Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship sa Rizal Memorial Coliseum.

Huling naglaro ang University of Santo Tomas at  Adamson University na nagsimula ng Sabado ng gabi at natapos ng Linggo ng madaling araw.

Sa huli, nanaig ang Tigresses sa pamamagitan ng pukpukang 25-20, 27-29, 15-25, 29-27, 15-10 upang makuha ang pambuenamanong panalo.

Bumida sa naturang panalo si wing spiker Eya Laure na nakalikom ng malaking puntos para pamunuan ang Tigresses sa opensa at depensa.

Bago ang laban ng UST at Adamson, umabot din sa fifth set ang duwelo ng Far Eastern University at reigning National Collegiate Athletic Association champion College of St. Benilde.

Nakabangon ang Lady Tamaraws sa 1-2 pagkakalugmok para hatakin ang 25-20, 24-26, 19-25, 25-22, 15-11 panalo laban sa Lady Blazers.

Ang UST-Adamson at FEU-Benilde ay dalawa lamang sa tatlong five-setter na laro sa opening day ng liga.

Una nang naitakas ng University of the East ang pahirapang 31-33, 25-20, 25-23, 21-25, 15-12 panalo laban sa Mapua University.

Dikdikan din ang laro ng University of Perpetual Help System Dalta at San Beda University na umabot sa four sets.

Naiuwi ng Lady Altas ang 24-26, 25-21, 25-23, 27-25 panalo.

Magpapatuloy ang mga laro sa Oktubre 1 at 2 sa parehong venue.

SHAKEY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with