^

PSN Palaro

Pacquiao, Mayweather nag-bangayan sa Japan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao, Mayweather nag-bangayan sa Japan
Nagkita sina Floyd Mayweather at Manny Pacquiao sa Japan para sa exhibition match ng undefeated American fighter laban kay Japanese boxer at MMA star Mikuru Asakura. Kabilang ang Pinoy champion sa panelist ng RIZIN 38 sa idinaos na press conference.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagpatutsadahan sina eight-division world champion Manny Pacquiao at undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. nang magkita ito sa Saitama, Japan.

Nagtungo si Pacquiao sa Japan para maging pa­nelist sa RIZIN 38 press conference para sa exhibition match nina Mayweather at Mikuru Asakura.

Nagsanay si Asakura kasama si Pacquiao sa Maynila.

Kumuha ng tips ang Japanese mixed martial artist kay Pacquiao dahil nakalaban na nito si Mayweather noong 2015.

“I’m here to support my boxer who is going to fight tomorrow — Asakura Mikuru. I’m so thankful that he came to the Philippines, to Manila to have some techniques about boxing, and train with me there,” ani Pacquiao.

Mas lalong naging excited si Mayweather nang malaman nito ang training camp ni Asakura kasama si Pacquiao.

Ipinagmalaki ni Mayweather na walang makakatalo sa kanya maging ang bagsik ng kamao ni Pacquiao.

“When we talk about The Best Ever, it’s for a reason. One thing about him he’s a hell of a fighter. If we talk about Hall of Famer, he’s a Hall of Famer. But like I’ve said before, there is no blueprint on how to beat Floyd Mayweather. He (Pacquiao) can tell you that himself,” ani Mayweather.

Bumuwelta naman si Pacquiao.

Ipinagmalaki nito ang kampeonato nito sa walong magkakaibang dibisyon na hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa napapantayan ng sinumang boksingero sa mundo.

“What I have done and accomplished in boxing is one of a kind because to get eight different titles from different weight divisions is not that easy. So that’s a prestigious accomplishment in boxing,” ani Pacquiao.

FLOYD MAYWEATHER JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with