^

PSN Palaro

Apektado rin ang NCAA, SSL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumuhos ang ulan sa buong Kamaynilaan dahil sa bagyong Karding.

Kaya naman wala nang nagawa pa ang pamunuan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 98 men’s basketball tournament at Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kundi ang kanselahin ang mga laro nito.

Nais ng dalawang liga na masiguro ang kaligtasan ng mga players, coaches, officials at mga fans kaya’t minabuti na ipagpaliban na lamang muna ito.

Kanselado ang bakba­kan ng Jose Rizal University at College of St. Benilde gayundin ang laro ng San Beda University at University of Perpetual Help System Dalta.

Ililipat ito sa bagong petsa.

“Please be informed that upon consultation with MANCOM members through Viber, and through phone calls, we are suspending the games today due to storm signal #2 and will be rescheduled to a later date based on our NCAA guidelines,” wika ni  NCAA vice chairman Efren Jose Supan.

Inihayag din ng pamunuan ng Super League na kanselado rin ang mga laro nito.

Ayon sa Athletic Events and Sports Management, Inc., ililipat din ang mga laro sa ibang araw.

“The organizers deci­ded to cancel today’s games, Sept. 25, Sunday, at Rizal Memorial Coliseum due to Super Typhoon Karding that is expected to make landfall today,” ayon sa statement ng liga.

Kabilang sa mga nakansela ang duwelo ng Colegio de San Juan de Letran at College of St. Benilde at ng Emilio Aguinaldo College at Adamson University.

Hindi rin nilaro ang sal­pukan ng University of Sto. Tomas at Lyceum of the Philippines University at ang laban ng University of the Philippines at Mapua University.

Maaaring gamitin ang mga tickets sa bagong petsa na itatalaga ng organizers ng Super League.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with