^

PSN Palaro

2 pares na sagupaan sa PBA kanselado dahil kay ‘Karding’

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para sa kaligtasan ng mga players, coaches at fans ay nagdesisyon ang Philippine Basketball Association (PBA) na ipagpaliban ang doubleheader ng 2022 Commissioner’s Cup na nakatakda kahapon.

Ito ay dahil sa panana­lasa ng super bagyong ‘Karding’ sa Metro Manila at mga probinsya.

“The PBA Commissioner’s Cup games today at the MOA Arena will be postponed due to Super Typhoon Karding. Meralco vs. NLEX and Converge vs. Ginebra will be resche­duled to a later date,” pahayag ng PBA.“Mag-ingat po tayong lahat!”

Ipinagpaliban din ng PBA ang Leg 3 ng PBA 3x3 Season 2 na nakatakda sana ngayon at bukas sa Robinson’s Place Antipolo Extension.

Haharapin sana ng NLEX ang Meralco sa alas-4:30 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Barangay Ginebra at Converge sa alas-6:45 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Si long-time assistant coach Adonis Tierra ang pansamantalang gumiya sa NLEX, habang sa Set­yembre 30 pa inaasahang opisyal na hahawakan ni Frankie Lim ang Road Warriors.

Ito ay dahil sa pagsisilbi niya ng one-game suspension mula sa kanyang physical contact kay da­ting Alaska forward Calvin Abueva sa 2015 PBA Governors Cup quarterfinals game ng Aces at Gin Kings.

Dahil nasibak ang Ginebra ay hindi na naipataw kay Lim ang naturang suspensyon.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with