^

PSN Palaro

Dragons itinakas ni Powell sa Batang Pier

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Dragons itinakas ni Powell sa Batang Pier
Ang buzzer-beating triple ni Myles Powell ng Bay Area laban kay NorthPort import Prince Ibeh.
PBA Image

MANILA, Philippines — Isinalpak ni import My­les Powell ang isang buz­zer-beating three-point shot para sa 105-104 pagtakas ng guest team na Bay Area Dragons sa NorthPort sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Tumapos si Powell na may 37 points tampok ang 8-of-15 shooting sa 3-point range para sa pagsolo ng Dragons sa liderato bitbit ang 2-0 record.

Nagdagdag si Hayden Blankey ng 15 markers para sa Bay Area na ni­la­mog ang Blackwater, 133-87, sa una nilang laro tampok ang 41 points ni Powell.

“He made a hell of a play,” ani coach Brian Goor­jian kay Powell na isang 2020 NBA undrafted player.

Binanderahan ni Robert Bolick ang NorthPort (1-1) sa kanyang 33 points at may 22 at tig-11 markers sina Arvin Tolentino, Jerrick Balanza at Jeff Chan, ayon sa pagkakasunod.

Lumaban nang husto ang Batang Pier mula sa first period hanggang sa fourth quarter kung saan sila nakatabla sa 102-102 sa huling 1:23 minuto mula sa drive ni Bolick.

Ang agaw ni Roi Su­mang kay Powell sa po­sesyon ng Dragons ang nagbigay sa kanila ng 104-102 abante sa natitirang 1:08 minuto ng labanan.

Parehong bigong ma­ka­iskor ang dalawang koponan hanggang isalpak ni Powell ang tres para sa panalo ng Bay Area bagama’t nadepensahan ni NorthPort 6’10 import Prince Ibeh.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with