^

PSN Palaro

Blazers reresbak!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Blazers reresbak!
Will Gozum
NCAA

MANILA, Philippines — Target ng College of Saint Benilde na muling masolo ang liderato sa pagharap nito sa Jose Rizal University sa pagpapatuloy ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 98 men’s basketball ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magkukrus ang landas ng Blazers at Heavy Bom­bers sa alas-12 ng tanghali na susundan ng bakbakan ng San Beda University at University of Perpetual Help System Dalta sa alas-3 ng hapon.

Galing ang Benilde sa masaklap na 75-81 kabiguan sa kamay ng defen­ding champion Colegio de San Juan de Letran noong Biyernes.

Dahil dito, bumagsak ang Blazers sa 3-1 marka para mabigyan ng pagka­kataon na makisalo sa liderato ang Lyceum of the Philippines University na may parehong rekord.

Kaya naman gigil na makaresbak ang Benilde upang maibalik ang winning form nito.

Aasahan ng Blazers si Will Gozum na kumana ng double-double na 23 points at 10 rebounds sa kanilang huling laro gayundin sina Migs Corteza na may 18 puntos at sina Robi Naybe at Ladis Lepalam na nag-­ l­ista ng tig-10 markers.

Sa kabilang banda, nakasakay ang Heavy Bom­bers sa dalawang sunod na panalo kabilang ang 70-67 paggulantang sa Arellano University noong Miyerkules.

Kumana si Ry Dela Rosa ng game-winning triple sa naturang laro para makuha ng Heavy Bom­bers ang panalo.

Umangat ang Jose Rizal sa 2-2 rekord para lampasan ang kanilang 1-8 baraha noong nakaraang season.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with