^

PSN Palaro

4 ang venues sa UAAP Season 85

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat ang magiging tahanan ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament sa oras na umarangkada ito sa Oktubre 1 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bukod sa MOA Arena, magiging venue rin ng liga ang Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, Philsports Arena sa Pasig City at ang Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Sa opening day, magtutuos ang season host Adamson University at University of Santo Tomas sa alas-2 ng hapon kasunod ang salpukan ng defending champion University of the Philippines at De La Salle University sa alas-4.

Susundan ito ng second day games sa parehong venue sa Oktubre 2 kung saan masisilayan ang bakbakan ng National University at University of the East sa alas-2 at ng Far Eastern University at Ateneo de Manila University sa alas-4.

Sa Oktubre 5, sa Philsports idaraos ang mga laro tampok ang apat na duwelo ng lahat ng walong teams.

Magiging venue naman ang Smart Araneta Coliseum sa Oktubre 8 hanggang 9 bago bumalik sa MOA Arena sa Oktubre 12 hanggang 19.

Sa Ynares Antipolo idaraos ang mga laro sa Oktubre 22 at 23.

Wala pang schedule na inilalabas para sa second round ng torneo dahil nakasalalay ito sa magiging final ranking ng mga teams matapos ang first round ng eliminasyon.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with