^

PSN Palaro

Sotto magpapalakas pa

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sotto magpapalakas pa
Kai Sotto
Instagram / Adelaide 36ers

MANILA, Philippines — Mas lalong mahahasa ang talento ni Kai Sotto sa preseason buildup ng Adelaide 36ers na naghahanda para sa 2022-2023 season ng Australia National Basketball League (NBL).

Sasalang pa ang 36ers sa ilang serye ng tuneup games sa Amerika sa susunod na buwan upang mapalakas pa ang kanilang tropa para sa nalalapit na pagbubukas ng NBL season.

Makakasagupa ng Adelaide ang Phoenix sa Oktubre 2 kasunod ang pagsabak sa Oklahoma City sa Oktubre 6.

Kaya naman magandang oportunidad ito para sa 7-foot-3 Pinoy cager upang lalo pang mapaganda ang kanyang laro.

Galing ang Adelaide sa preseason tournament sa Australia kung saan winalis nito ang lahat ng kanilang laro sa 2022 NBL Blitz preseason tournament.

Kabilang na rito ang 84-77 panalo ng Adelaide sa Illawarra noong Huwebes sa Darwin Basketball Facility sa Darwin, Australia.

Nagtala si Sotto ng anim na puntos at isang rebound sa 10 minutong paglalaro.

Galing ang 36ers sa 19 puntos na pagkakabaon ngunit nakabangon ito para makadikit sa 71-72 sa hu­ling limang minuto ng laro.

Sinimulan ni Sotto ang 13-4 run ng Adelaide sa huling sandali ng bakbakan para tuluyang makuha ang panalo.

Nanguna para sa 36ers si Robert Franks na nagtala ng double-double na 30 points at 10 rebounds habang nagdagdag si Craig Randall ng 16 markers, at gumawa naman si Daniel Johnson ng sariling double-double na 15 points at 11 rebounds. 

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with