^

PSN Palaro

Navarro ‘di makakalaro sa Korea

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Navarro âdi makakalaro sa Korea
Will Navarro.
FIBA

MANILA, Philippines — Iginiit ng Samahang Bas­ketbol ng Pilipinas (SBP) na kailangang ires­peto ni Will Navarro ang kon­trata nito sa Gilas Pilipinas at NorthPort.

Naglabas ng statement ang SBP matapos pumutok ang balitang hindi ito pi­na­hintulutan si Navarro na ma­kapaglaro sa Samsung Thunders sa Korea Basketball Association (KBA).

Nilinaw ng SBP na hindi nito pinipigilan ang sinuman na maglaro sa ibang bansa.

Ngunit iba ang sitwas­yon ni Navarro na may pi­­nir­mahang kontrata bilang ba­hagi ng Gilas Pilipinas at ng NorthPort na siyang pu­mili sa kanya bilang No. 5 pick sa 2021 PBA Annual Rookie Draft.

“The SBP respects pla­­yers’ rights to look for greener pastures. But pla­yers also need to respect agreements they have entered into with their teams,” ayon sa statement ng SBP.

Sumulat ang KBA sa FI­BA para mabigyan ng Letter of Clearance (LOC) si Navarro na makapag­laro sa Samsung Thunders.

Ngunit dahil sa kontrata nito ay hindi binigyan ng clearance ng SBP si Navarro.

“However, Mr. Navarro has an existing contract to: 1) play for the national team, attend activities, practices, social and business functions and 2) with his undeniable agreement, be assigned to only and no other team or ballclub than his PBA drafting team, the North Port Batang Pier,” ayon sa statement ng SBP.

Kinatigan ng FIBA ang desisyon ng SBP.

SBP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with