^

PSN Palaro

PSC suportado ang programa ng PNVF

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi lamang sa basketball malapit ang puso ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Noli Eala, kundi maging sa volleyball.

Nagkasundo ang PSC at ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na tutukan ang nationwide grassroots program ng sport.

Ang kasunduan ay pinagtibay nina Eala at PNVF pre­sident Ramon “Tats” Suzara kasama si Secretary General Don Caringal sa isang courtesy visit.

Suportado rin ni PSC Commissioner Olivia “Bong” Coo ang nasabing agreement.

Si Eala ang nag-organisa sa hosting ng isang leg ng International Volleyball Federation Grand Prix, ngayon ay Volleyball Nations League, noong 2002.

Inialok ni Suzara ang annual Champions League ng PNVF na tututok rin sa mga LGU-based teams at ang pagkakabilang ng volleyball event sa taunang Batang Pinoy ng sports agency.

PSC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with