Anak ni Duremdes lalaro sa UST
MANILA, Philippines — Dadalhin ni US-based Kylle Magdangal ang talento nito sa University of Santo Tomas (UST) para sa UAAP men’s basketbal tournament.
Si Magdangal ay anak ni dating PBA Most Valuable Player Kenneth Duremdes.
Kasalukuyan itong bahagi ng Marina High School Vikings na naglalaro sa CIF Division 3A sa Huntington Beach, California sa Amerika.
“I’m a point guard. I usually don’t score much, but I’m a pass-first point guard. I’m a playmaker,” anang 5-foot-11 na si Magdangal.
Naging inspirasyon ni Magdangal ang kanyang amang si Duremdes na tunay na gumawa ng ingay noong naglalaro pa ito para sa Alaska Aces sa PBA.
At umaasa si Magdangal na masusundan nito ang yapak ng kanyang ama.
“I’m definitely hoping I could end up like him and yes, he’s a very good foundation for me,” ani Magdangal.
Bukod sa paglalaro sa Growling Tigers, pangarap din ni Magdangal na makapaglaro sa Gilas Pilipinas.
Dual citizenship si Magdangal at mayroon na itong Philippine passport.
- Latest