^

PSN Palaro

June Mar magdo-donate ng P172K sa charity

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
June Mar magdo-donate ng P172K sa charity
Si June Mar Fajardo kasama ang inang namayapa.
File photo

MANILA, Philippines — Noong Hunyo 8 ini­lunsad ni San Miguel superstar June Mar Fajardo ang kanyang donation drive para tulungan ang mapipili niyang charitable institution sa pakikipagtulungan sa Philippine Basketball Association (PBA).

Sa pag-entra ng Beermen sa 2022 PBA Philippine Cup Finals ay magdo-donate ang Cebuano giant ng P100,000.

“Siyempre, nakakatuwa lang,” wika ng six-time PBA MVP sa pagtupad ng kanyang pangako sa pumanaw niyang ina.

Sa pagsisimula ng PBA season ay nangako si Fajardo na magdo-donate ng P200 para sa bawat puntos na maitatala niya bukod sa P100 para sa bawat rebound at P1,000 para sa bawat maipapasok niyang three-point shot.

Sa pagpasok ng San Miguel sa best-of-seven championship series katapat ang nagdedepensang TNT Tropang Giga ay magbibigay ang 6-foot-10 slotman ng kabuuang P172,000.

Ang P72,000 na cash donation ni ‘The Kraken’ ay kasama sa hinataw niyang 29 points at 14 rebounds sa 100-89 pagsibak ng Beermen sa Meralco Bolts sa Game Seven ng kanilang semifinals duel kamakalawa.

“After the finals, mag-uusap kami ni Comm (Commissioner Willie Marcial) about sa pag-donate,” sabi ng 32-anyos na si Fajardo.

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with